SINIGURO ni Senate President Chiz Escudero na magiging patas at pantay ang Senado sa pagdinig ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Unang araw pa lang ng pagkakasampa ng impeachment-sino mang pabor sa impeachment o tutol sa impeachment, hindi matimbang ang opinyon para sa akin dahil patas, parehas, at pantay naming tatratuhin itong impeachmentat kasong ito nang walang pinapaboran, walang tinititigan,” ayon kay Senate President Chiz Escudero.