IPINAAABOT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaniyang suporta sa bagong Senate President na si Senator Chiz Escudero.
Sa kaniyang X account, sinabi ni Pangulong Marcos na ang legislative record ni Escudero at katapatan sa serbisyo-publiko ay nagpakilala sa kaniya bilang isang dedikadong pinuno.
Tiwala naman si Pangulong Marcos na sa ilalim ng pamumuno ni Escudero, patuloy na ipaprayoridad ng Senado ang transformative laws.
Sa kabilang banda, pinuri naman ni Pangulong Marcos si Sen. Juan Miguel Zubiri sa kaniyang namumukod-tanging pagganap bilang dating pangulo ng Senado.