Eskulturang ‘Josephine Sleeping’ ni Jose Rizal, umabot ng P31M ang presyo sa isang auction

Eskulturang ‘Josephine Sleeping’ ni Jose Rizal, umabot ng P31M ang presyo sa isang auction

UMABOT ng P31M ang presyo ng obrang ‘Josephine Sleeping’ ni Jose Rizal.

Sa naging auction noong nakaraang linggo sa Makati City, nagsimula ang bidding ng P7M para sa 9- and 1/2-inches long at 2- and 3/4-inches wide na eskultura ni Rizal.

Inspirasyon ng eskulturang ‘Josephine Sleeping’ ay si Josephine Leopoldine Bracken na kilala bilang tanging Mrs. Jose Rizal.

Sinasabing ginawa ito ni Rizal sa pagitan ng taong 1895 at 1896.

Ang obra na ito naman ng Philippine National Hero ay inihahalintulad sa ‘Mona Lisa’ ni Leonardo Da Vinci.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble