ISANG sunog ang sumiklab sa ilang gusali ng Alimodian National Comprehensive High School na umabot sa ikatlong alarma ang sunog.
Naganap ang insidente ng apoy nitong alas tres ng madaling araw ng ika-dalawa ng Hunyo, sa bayan ng Alimodian, Iloilo, kung kalian ay dalawang linggo na lamang at magsisimula na ang klase ng mga mag-aaral sa lugar.
Base sa imbestigasyon ng mga rumesponde mula sa Bureau of Fire Protection na mula pa sa bayan ng San Miguel, Oton at Pavia, nagsimula ang apoy sa isang TLE building.
Natupok ng apoy ang pitong silid aralan, gayundin ang band room, clinic, stock room at maging ang canteen ng paaralan. Wala namang nasaktan sa nangyaring insidente na patuloy pang inaalam kung ano ang pinagmulan.