Estados Unidos, walang rason na makisawsaw sa isyu ng South China Sea – geopolitical analyst

Estados Unidos, walang rason na makisawsaw sa isyu ng South China Sea – geopolitical analyst

HINDI dapat makisawsaw ang Estados Unidos sa kasalukuyang isyu sa pagitan ng China at Pilipinas sa South China Sea.

Ayon kay Prof. Anna Malindog-Uy, isang geopolitical analyst sa panayam ng SMNI News, nagkakaroon lang ng distortion ang isyu lalong-lalo na kung may third party.

Kaugnay ito sa mga ulat na dumarami muli ang Chinese vessels na matatagpuan sa Spratly Islands at nagiging hadlang na para sa kabuhayan ng mga Pilipinong nangingisda sa lugar.

Maging ang ulat sa naging pinakalatest encounter ng naval forces ng Pilipinas at Chinese Coast Guards na dokumentado ng Senado noong December 14.

Ani Malindog-Uy dito, batay na rin sa pahayag ng Chinese Embassy sa Pilipinas, may kakayahan ang bansa at China na iresolba ang isyu na hindi kailangan ang Estados Unidos.

Kung tutuusin, malayo ang Estados Unidos sa South China Sea at hindi rin naman ito kasama sa mga bansang umaangkin dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter