EU pinatawan ng parusa ang 2 armadong grupo sa Syria

EU pinatawan ng parusa ang 2 armadong grupo sa Syria

INALIS na ng European Union (EU) ang karamihan sa mga parusang ipinataw nila laban sa Syria nitong Miyerkules, Mayo 28, 2025.

Ngunit nagpatupad naman ito ng mga parusa laban sa mga tao at grupong lumahok sa mga pag-atake sa mga sibilyan sa Latakia, isang Syrian Coastal Region noong Marso.

Partikular na target sa panibagong sanction ay sina Mohammad Hussein Al-Jasim, pinuno ng Sultan Suleiman Shah Brigade; at Sayf Boulad Abu Bakr, pinuno ng Hamza Division.

Ang Shah Brigade at Hamza Division ay parehong armadong grupo na sinabi ng EU na lumahok sa mga pag-atake.

Hindi man idinetalye subalit ang mga halimbawa ng mga posibleng parusa ay ang pag-freeze ng mga asset, pagbabawal sa mga nabanggit na indibidwal na makapasok o makabiyahe papunta o mula sa anumang bansang sakop ng EU, at limitasyon sa pakikipagtransaksiyon.

Dagdag pa ng EU, maaari ding ibalik ang karamihan sa mga parusa sa buong Syria kung hindi mapanatili ni Ahmad al-Sharaa ang kapayapaan sa kanilang bansa.

Si Ahmad al-Sharaa ang nanguna sa pagpapatalsik kay Syrian President Bashar Assad noong Disyembre 2024.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble