European satellite, babagsak sa mundo sa susunod na linggo

European satellite, babagsak sa mundo sa susunod na linggo

INANUNSIYO ng European Space Agency (ESA) na babalik na sa mundo ang isa sa kanilang malalaking satellite na inilunsad sa kalawakan sa susunod na linggo.

Ang misyon ng satellite anila ay natapos na 13 taon na ang nakalipas kung kaya’t babalik na ito sa mundo.

Nilinaw ng space agency na babagsak ito sa Earth sa hindi kontroladong pamamaraan ngunit anila, hindi ito magdudulot ng pinsala kaninuman.

Paliwanag ni Benjamin Bastida Virgili, isang space debris system engineer ng ESA, masusunog lang ang 2.5 toneladang satellite kung makakapasok na ito sa atmosphere ng Earth.

Kung may matitira man ay pinakamalaki na ang 52 kilograms na debris nito ayon kay Henri Laur ng Earth Observation Mission ng ESA.

Ang ERS-2 satellite ng Europa ay inilunsad noong 1995.

Noong 2011 ay pinatay ng ESA ang satellite sa paraang masisiguro na babalik ito sa mundo sa loob ng 13 taon.

Kung hahayaan anila ito sa space ayon kay Quentin Verspieren, isang space safety coordinator ng ESA, maaari itong sumabog at magdudulot ng nakakapinsalang debris na paikot-ikot sa Earth.

Magiging banta rin ito sa active satellites at maging sa international space station.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble