NAGLAAN ng pondo ang European Union para sa dalawang panibagong grant na sumusuporta sa green transition sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ng EU na ang ‘Community Grants’ at ‘Circular Economy Education and Behavioral Change Grants’ ay susuporta sa mga inisyatibo ng sampung local government units (LGUs) sa buong bansa.
Ang mga LGU na ito ay ang Baguio City, Caloocan, Davao, Del Carmen sa Siargao, Iloilo City, Pasig, Puerto Princesa, Ormoc, Quezon City at Island Garden City sa Samal.
Ang naturang mga LGU ay may layuning bawasan ang basura, itaas ang antas ng edukasyong pangkalikasan ng publiko at iba pa.
Samantala, pinakamataas na halaga na maaaring matanggap ng kada LGU mula sa EU hinggil rito ay 80 thousand US dollars para sa Community Grant at 30 thousand US dollars para sa Circular Economy Education and Behavioral Grant.