Ex-Cong. Arnie Teves, hindi rin nagpasok ng plea sa Degamo murder case

Ex-Cong. Arnie Teves, hindi rin nagpasok ng plea sa Degamo murder case

Di tulad ng nauna niyang arraignment para sa kasong illegal possession of firearms at illegal possession of explosives, hindi na pisikal na humarap sa korte si dating Congressman Arnie Teves Jr. para sa kaniyang arraignment sa Degamo murder case sa Manila RTC Branch 51.

Sa halip, humarap siya sa pamamagitan ng video teleconferencing.

Ngunit katulad ng nauna niyang arraignment, hindi pa rin siya nagpasok ng plea.

Ang korte ang siyang nagpasok ng not guilty plea para sa kaniya.

Si Teves ay nahaharap sa 10 counts ng murder, 12 counts ng frustrated murder, at 4 counts ng attempted murder kasunod ng pagpatay kay dating Governor Roel Degamo at ng siyam na iba pa noong Marso 2024.

Ayon sa kampo ni Teves, ang pagtanggi nitong magpasok ng plea ay bahagi pa rin ng kanilang pagtutol sa kuwestyunableng pag-aresto sa kaniya sa Timor Leste.

Ayon sa kampo ng mga Degamo, walang epekto sa kaso ang hindi pagpasok ng plea ni Teves.

Base sa umiiral na batas, kung hindi magpasok ng plea ang isang akusado, ang korte ang awtomatikong magpapasok ng not guilty plea para rito.

Ang maiharap sa korte si Teves ay matagal nang hinihintay ng mga biktima ng pamamaslang.

Una nang sinabi ni Janice Degamo, byuda ni Roel Degamo, na hindi siya naniniwala na tapat si Teves sa kagustuhang mapabilis ang paglilitis sa kaniyang mga kaso.

Para sa kaniya, ang hindi pagpasok ni Teves ng not guilty plea ay isa lamang estratehiya upang maantala ang proseso na agad pinabulaanan ng abogado ng dating kongresista.

Nakatakda sa Agosto 20 ang pre-trial ni Teves para sa Degamo murder case.

Hindi siya obligado na personal na humarap dito, ayon sa kaniyang abogado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble