Ex-Gov. Pryde Henry Teves, hindi pa tiyak ang partisipasyon nito sa Degamo case

Ex-Gov. Pryde Henry Teves, hindi pa tiyak ang partisipasyon nito sa Degamo case

IPINAUUBAYA na lamang muna sa Special Investigation Task Group  (SITG) Degamo ang pag-aaral kung ituturing bilang suspek o mastermind sa Degamo massacre si Negros Oriental Ex-Gov Pryde Henry Teves.

Ito’y matapos na makuha sa isa sa mga tauhan nito ang larawan ng mga Degamo mula sa isinagawang raid ng PNP-CIDG sa compound ng HDJ Agri-venture Compound sa Sicopong Caranoche Santa Catalina Negros Oriental mula March 26 hanggang sa kasalukuyan.

Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, nasa investigating body na ng Task Group Degamo ang pag-aaral sa nasabing anggulo.

Sa ngayon, tanging tiniyak ng DILG na malakas ang kanilang hawak na ebidensiya laban sa mastermind sa pamamaslang kay Gov. Roel Degamo

Kasabay nito ang panawagan ng kalihim sa mga nalalabing suspek at mismong mastermind na sumuko na sa lalong madaling panahon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter