Ex-pres’l consultant, binalaan si BBM sa magiging desisyon niya sa mga nag-walkout umanong heneral

Ex-pres’l consultant, binalaan si BBM sa magiging desisyon niya sa mga nag-walkout umanong heneral

BAGAMAT itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isyu ng umano’y pag-walkout ng ilang heneral sa ginanap na command conference nitong Hulyo 4, 2024 ay hindi mapigilan ng dating presidential consultant ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na balaan si Bongbong Marcos sa kaniyang mga gagawing desisyon.

Sa isang social media post – sinabi ni Jose Alejandrino na kung itutuloy ni Marcos Jr. na tanggalin sa puwesto ang pitong heneral na dawit sa ‘walkout issue’ gaya ng ginawang pagtanggal ng Department of National Defense kay dating WESCOM Chief Vice Admiral Alberto Carlos ay malamang na may hindi magandang mangyayari.

“If Bongbong relieves the seven generals who had the courage to disagree with the government’s policies at the AFP Command Conference as the DND did to WESCOM Chief Vice Adm. Carlos who just did his job, it will be the last straw that will break the camel’s back,” pahayag ni Jose Alejandrino, Former Presidential Consultant, FPRRD.

Binigyang diin pa ni Alejandrino na dapat na aksiyunan ng mga PMAyer ang kawalan ng hustisya na ginagawa sa kanila.

Paliwanag niya – kung kaya itong gawin ng kasalukuyang administrasyon sa mga matataas na opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ay hindi malabong gawin din ito sa kahit na sinong PMAyer.

“All PMAyers, active or retired, must rally around their comrade-in-arms and fight the injustices done to them. If this government can do it to them, it can do it to any PMAyer in active service,” aniya.

Sa huli, paalala ni Alejandrino sa mga sundalo, nasa mataas o mababang ranggo, na dapat ang katapatan nila ay wala sa interes ng sinumang indibidwal kundi dapat nasa taong bayan at sa bansa lang.

“The loyalty of the military is to its country and people and not to a single individual’s whims and caprices,” pagtatapos nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble