Ex-Sen. De Lima, bagong VP for Policies and Reforms ng LP

Ex-Sen. De Lima, bagong VP for Policies and Reforms ng LP

KINUMPIRMA ni Albay Rep. Edcel Lagman, presidente ng Yellow Liberal Party ang bagong puwesto sa partido ni dating Senator Leila de Lima.

Sa liham ni Lagman kay De Lima, giniit nito na ang nakakulong na dating senador ang pinakabagong Vice President for Policies and Reforms ng LP.

Saad naman ng pangulo ng Liberal Party na umaasa silang maipagpapatuloy ang mga adbokasiya ng LP dahil sa membership ni De Lima.

Umaasa rin ang partido na makalalabas na ng kulungan si De Lima at mabibigyang linaw ang mga kasong kinakaharap nito.

Matatandaan na nakulong si De Lima dahil sa isyu ng illegal drug trade sa Bilibid.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter