Excess funds ng PhilHealth gagamitin na pambayad sa utang ng bansa—DOF

Excess funds ng PhilHealth gagamitin na pambayad sa utang ng bansa—DOF

IBINAHAGI ng Department of Finance (DOF) sa naging oral arguments sa Korte Suprema nitong Abril 2, 2025 na layunin ng gobyerno na gamitin ang mga excess funds ng PhilHealth bilang pambayad sa utang ng bansa.

Ito’y upang matulungang makabangon ang ekonomiya nang hindi na kailangang magpataw ng bagong buwis o mangutang ng karagdagang pondo.

Para kay DOF Sec. Ralph Recto, praktikal aniya ang naturang inisyatiba. Matatandaan na may nailipat nang bahagi sa kabuoang tinutukoy na 89.9B pesos excess funds mula sa PhilHealth papuntang National Treasury.

Ngunit sa oral arguments noong Marso 4, ipinababalik muli ni Supreme Court Associate Justice Antonio Kho ang 60 billion pesos mula sa National Treasury papuntang PhilHealth.

Nauna na ring pinatigil ng Supreme Court ang paglilipat ng natitirang P29.9B sa pamamagitan ng isang temporary restraining order noong Oktubre 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble