Exclusive lane para sa mga motorsiklo, welcome development –Rep. Gutierrez

Exclusive lane para sa mga motorsiklo, welcome development –Rep. Gutierrez

WELCOME development para kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang hakbang ng MMDA na magtalaga ng dedicated motorcycle highway sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Giit ni Gutierrez, ang hakbang ay mainam dahil magiging organized na ang malapad na Commonwealth Avenue dahil may sarili nang linya ang mga nag-momotor.

Nilinaw naman ng kongresista na iba ang bagong programa ng MMDA sa nagdaang motorcycle lane dahil exclusive na ito sa mga rider at hindi ito pwedeng daanan ng mga kotse.

Oras na ipatupad ang programa, mananatiling bike lane ang outermost lane, katabi nito ang PUV lane, at saka isusunod ang motorcycle lane.

Asul ang kulay ng motorcycle lane, dilaw para sa PUV, habang berde sa mga bisikleta.

Papatawan ng multa ang motorcycle riders na lalabas sa kanilang lane gayundin ang mga sasakyang papasok sa motorcycle lane.

“Yung dating implementation nito ay hindi exclusive. Ito ang promise ng MMDA sa ating mga riders: Kung dati ang mga motorcycle riders, inilalagay lang sa isang lane, tapos ang mga kotse, pwede rin gamitin ang lane, iba na ngayon, exclusive na,” saad ng mambabatas.

Follow SMNI NEWS in Twitter