POSIBLENG tataas pa ang export revenues ng garment products sa 2025.
Ito ang sinabi ng Foreign Buyers Association of the Philippines (FOBAP) ngayong ipatutupad na sa susunod na taon ang Philippines-South Korea Free Trade Agreement (FTA).
Sa trade agreement sa pagitan ng Seoul, posibleng ski at winter jackets ang i-export ng Manila.
Noong 2023, 17.2 million dollars ang exportation revenues ng bansa mula sa South Korea.
Ngayong 2024, sa global exportation, posibleng 900 million dollars ang kabuuang kikitain.