Extended operating hours sa MRT-3 maaaring ipatupad sa susunod na linggo

Extended operating hours sa MRT-3 maaaring ipatupad sa susunod na linggo

AYON kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon, maaaring ipatupad na sa susunod na linggo ang extended operating hours ng MRT-3 tuwing gabi.

Inaasahang madadagdagan na rin ang bilang ng bagon.

Kapag naipatupad ang bagong schedule, ang huling biyahe mula North Avenue na dating 9:30 p.m. ay magiging 10:30 p.m., habang ang huling biyahe mula Taft na dating 10:00 p.m. ay magiging 11:00 p.m.

Pinag-aaralan din ng ahensiya kung maaaring paagahin ng 30 minuto ang unang biyahe sa umaga, ngunit ikinokonsidera rin nila ang maintenance ng mga tren.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble