Extra curricular activities, ipahihinto muna sa pagbabalik ng F2F classes ngayong taon

Extra curricular activities, ipahihinto muna sa pagbabalik ng F2F classes ngayong taon

WALA munang extra curricular activities sa mga paaralan sa buong bansa ngayong nagbalik ang face to face classes.

Inihayag ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte na tututukan muna ang pagtuturo ng academic subjects sa mga estudyante.

Ayon kay VP Sara, kailangan mapunan ang kaalamang nawala sa mga mag-aaral dahil sa dalawang taon na may banta ang COVID-19 pandemic.

Malaki rin aniya ang kaibahan sa in person classes sa online classes.

Ngunit nilinaw rin ng kalihim na ibabalik ang extra curricular activities sa susunod na taon ngunit binabalangkas pa ng kagawaran ang ipatutupad na mga alituntunin.

Samantala, mananatiling prayoridad ng kagawaran ang kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipinong guro at mag-aaral sa kanilang pagbabalik-eskwela para sa School Year 2022-2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter