INIHAYAG ni Department of Health (DOH), na nanatiling mandatory pa rin ang pagsuot ng face mask sa ilang indoor settings.
Ito ay kasunod ng anunsyo ng Department of Tourism (DOT) na magiging boluntaryo na lamang ang pagsuot ng face mask sa indoor places.
Ayon kay OIC Usec. Maria Rosario Vergeire kailangan pa ring magsuot ng face mask sa loob ng mga healthcare facilities tulad ng clinics, hospitals, laboratories, nursing homes at dialysis clinics.
Mandatory din ito sa medical at public transport.