Face-to-face classes, imposible hanggat hindi nababakunahan ang mga kabataan —Galvez

Face-to-face classes, imposible hanggat hindi nababakunahan ang mga kabataan —Galvez

HINDI babalik ang face-to-face classes kung hindi pa nabakunahan ang mga kabataan.

Ayon ito kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Dagdag pa ni Galvez, kailangan pang makapagpabakuna ng 50 hanggang 70% ng kabuuang populasyon ng bansa para makamit ang herd immunity.

Sa huling yugto pa din ani Galvez, target na mabakunahan ang mahigit tatlumpung milyong mga kabataang may edad labing-dalawa hanggang labing-pitong taong gulang, ito ay kung magiging stable na ang supply ng bakuna lalo na ang Pfizer na siyang pwede lang na COVID-19 vaccine para sa mga bata.

Kaya imposible na maibalik ang face-to-face classes ngayong taon.

Mga public school teacher, makatatanggap ng 5k cash allowance para sa Schoo Year 2021-2022

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na magbibigay ito ng 5,000 cash allowance para sa mga classroom teacher para sa School Year 2021-2022.

Sinabi ng DepEd na ang aksyong ito ay dahil sa patuloy na suporta ng mga guro sa pagbibigay ng edukasyon sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Nag-isyu ang DepEd at ang Department of Budget and Management (DBM) ng Joint Circular na magbibigay ng guidelines na ipatutupad ng DepEd Office of the Secretary Special Provision No.11 in the Fiscal Year 2020 General Appropriations Act (GAA) on cash allowance.

Samantala, sinabi naman ni DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na ang petsa ng pagbubukas ng klase ay mahalaga para maipamahagi na ang cash allowance.

 

SMNI NEWS