IKINADISMAYA ng marami sa Nueva Ecija ang mga impormasyong kumakalat sa social media tungkol kay Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy. Ito’y matapos isagawa ang pagpupulong sa mga barangay ng Butihing Pastor.
“Sa social media, hindi po tayo basta maniniwala sa mga negatibong sinasabi tungkol sa isang tao, lalo na kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Hindi ako basta-basta naniniwala dahil alam natin na sa social media, basta may pera ka, puwede kang gumawa ng kahit anong kwento. Ako po, bagamat simpleng mamamayan lang, ay nag-iisip. Nakikita ko kung paano gumalaw ang isang tao, kung siya ba ay nagsasabi ng totoo o hindi,” ayon kay Kuya Jonel residente ng Brgy. Cruz Roja, Nueva Ecija.
“Nasagot at nalinawan po ang mga kumakalat sa social media tungkol kay Pastor Quiboloy. Yun po pala ay pawang destabilization at walang katotohanan. Kaya ang mga kabarangay namin dito ay nabigyan ng tamang impormasyon,” saad ni Tatay Jun residente ng Brgy. Agbannawag, Rizal, Nueva Ecija.
“Ang fake news ay dapat nang magkaroon ng matinding batas upang masugpo ito. Napakalaking kaguluhan ang naidudulot nito sa Pilipinas, lalo na kapag pinaniniwalaan ng tao ang kasinungalingan,” sabi ni Ate Thelma residente ng Brgy. Cruz Roja, Nueva Ecija.
Ito ang naging matinding reaksyon ng mga dumalo sa townhall meeting ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa dalawang barangay sa Nueva Ecija. Matagal na nilang sinusubaybayan ang butihing Pastor sa social media, subalit madalas nilang natatanggap ay negatibong impormasyon.
Ngunit matapos ang pagpupulong, marami sa kanila ang labis na nagulat at naliwanagan nang mapagtanto na ang matagal na nilang pinaniniwalaan mula sa mainstream media ay isa rin pala sa mga pangunahing nagpapakalat ng maling impormasyon.
Ayon sa kanila, isang napakahalagang hakbang ang ginagawang townhall meeting ng butihing Pastor upang labanan ang fake news. Sa pamamagitan nito, mas nagkakaroon sila ng masusing pang-unawa sa epekto ng social media—kung paano ito maaaring maging kasangkapan ng panlilinlang o kaya’y isang daluyan ng katotohanan.
“Sobrang importante nito, lalo na sa mga liblib na lugar sa Nueva Ecija, kung saan marami sa ating mga kababayan ang hindi pa mulat sa katotohanan, lalo na pagdating sa balita,” saad ni Jay Guevarra SMNI Anchor.
“Nakikita ko sa ating mga kababayan na talagang sila’y naliliwanagan at napapapalakpak dahil sa impormasyong natutuklasan nila—mga bagay na matagal nilang pinaniniwalaan ngunit hindi pala totoo. At dito natin ipinapaliwanag kung ano ang tama,” ayon kay Guevara.
Samantala, non-stop pa rin ang mga pagpupulong sa iba’t ibang barangay, mula sa mga liblib na lugar hanggang sa mga siyudad sa buong bansa.
Marami sa mga dumadalo ang dating naging biktima ng pekeng impormasyon, kaya’t sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, mas naibabalik ang tiwala ng publiko sa tama at totoong balita.
Follow SMNI News on Rumble