PANALO ang fans ng Pinoy boy band na SB19 sa Billboard Fan Army Face-Off 2023.
Ang naturang taunang event ng Billboard ay para tukuyin kung kaninong fan base ang pinakamalakas mula sa 64 na grupo.
Ayon sa Billboard, tinalo ng “A’tin” na nakakuha ng 51.1 porsiyento na boto ang “CARATS” na fandom ng K-pop boy group na Seventeen na nakakuha lang ng 48.9 porsiyento.
Kabilang sa mga naunang Fan Army Face-Off winner ay ang E.L.F ng Super Juniors, ang Queens ng T-ara at ang VIPS ng BIGBANG.
Ang SB19 ay binubuo nina Stell, Ken, Pablo, Justin at Josh na kasalukuyang nasa Amerika para sa kanilang ‘Pagtatag!’ World Tour.