IGINIIT ni Food and Drug Administration o FDA Director General Eric Domingo na wala pang nag-aplay para sa paggamit ng Ivermectin kontra COVID-19.
Nilinaw din nito na kailangan nila ng datos mula sa manufacturer ng Ivermectin upang matiyak at masuri kung ligtas ito na gamitin ng tao.
Hindi rin aniya sila kontra sa naturang gamot ngunit kailangang dumaan muna sila sa tamang proseso bago ibigay sa publiko.
Ipinunto pa nito na masama sa utak ng tao ang mataas na doses na gamot ng hayop.
Hindi rin aniya masabi kung may epekto ang mababang dose ng Ivermectin sa tao kung kaya’t mas nakabubuti kung masuri ang nasabing produkto.
(BASAHIN: FDA, nagbabala sa pagbili at paggamit ng Ivermectin kontra COVID-19)