Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagdadagdag ng sampung gamot sa kanilang listahan ng mga essential medicines na hindi na papatawan ng 12% value-added tax (VAT).
Ayon sa FDA Advisory No. 2025-0510, ang mga bagong VAT-exempt na gamot ay kinabibilangan ng:
Para sa kanser: Tegafur + Gimeracil + Oteracil Potassium capsules (20 mg/5.8 mg/19.6 mg at 25 mg/7.25 mg/24.5 mg).
Para sa diabetes: Metformin Hydrochloride + Teneligliptin tablets (1 g/20 mg at 500 mg/20 mg).
Para sa mataas na kolesterol: Atorvastatin (as calcium) + Fenofibrate tablet (20 mg/160 mg).
Para sa hypertension: Metoprolol tartrate + Ivabradine (as hydrochloride) tablet (50 mg/5 mg at 50 mg/5 mg).
Para sa mental health: Lamotrigine (5 mg chewable tablet, 25 mg oral dispersible tablet, at 25 mg tablet).
Idinagdag ang mga ito sa listahan ng mga VAT-exempt na gamot sa ilalim ng Republic Act No. 10963 o TRAIN Law at Republic Act No. 11534 o CREATE Law, na layuning gawing mas abot-kaya ang mga essential medicines para sa mga Pilipino.
Ang mga bagong VAT-exempt na gamot ay magiging epektibo simula Hunyo a-kuwatro, ngayong taon. Para sa kumpletong listahan ng mga VAT-exempt na gamot, maaaring bisitahin ang FDA Verification Portal sa fda.gov.ph.