DOBLEHIN ang pagsisikap kontra iligal na droga.
Sa panayam ng SMNI News, ito ang panghihikayat ni Sen. Bato Dela Rosa sa Philippine National Police (PNP) dahil nawala na ang fear factor ng mga sindikato ng iligal na droga gaya noong sa ilalim pa ng administrasyong Duterte.
Tip ni Sen. Dela Rosa batay sa kanyang karanasan bilang pulis, hindi lang dapat ang big-time ang tututukan nito kundi pati na rin ang small-time.
Nilinaw naman ni Sen. Dela Rosa na hindi niya kinukumpara ang estilo kontra iligal na droga ng dalawang administrasyon dahil inilalahad lang niya ang realidad.
Kamakailan ay aabot sa P6.7-B ang nakumpiskang droga sa lungsod ng maynila.
Kabilang sa arestado sa drug operation noong buwan ng Oktubre ay si Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr., isang intelligence officer mula sa PNP Drug Enforcement Group.