NAKUHA ng PH Triathlete na si Fernando Jose Casares ang ika-10 puwesto sa men’s triathlon sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Natapos ni Casares ang karera sa loob lamang ng 2 oras at 53 segundo dahilan ng pagkakakuha nito ng spot sa top 10.
Maliban kay Casares, nakuha rin ng isa pang Pinoy na si Andrew Kim ang ika-13 puwesto sa men’s triathlon na may 2 oras 4 minuto at 47 segundo na record.
Sa ngayon, patuloy ang paghakot ng mga Pinoy ng parangal sa nagpapatuloy na 2023 Asian Games.