IPATUTUPAD ng Health Ministry ang fever screening para sa mga manlalakbay na papasok sa Malaysia sa international entry points ng bansa.
Ito ay bilang paghahanda sa posibilidad na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 na iniulat sa ilang mga bansa kabilang ang China.
Ang mga na-diagnose na may lagnat o sintomas ay ire-refer sa mga health authorities para sa muling pagsusuri.
Samantala, sinimulan ng Malaysia ang pagsasagawa ng COVID-19 environmental surveillance gamit ang sewage water mula noong Hunyo 2022.
Ito ay nilayon bilang supplementary surveillance para sa COVID-19 alinsunod sa transition sa endemic phase.
Ang sewage sampling process ay isinasagawa ng KLIA Health Office sa pakikipagtulungan ng KLIA Airport.
Ang risk assessment na ito ay patuloy na isinasagawa ng MOH upang tukuyin ang mga bansang nasa panganib bilang supplementary surveillance para sa COVID-19.