IDINAOS ang Fiestakucha sa Cebu na kauna-unahang aktibidad ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa month-long celebration ng Philippine Creative Industries Month (PCIM) sa lungsod.
Fiestakucha, isang kataga na pinagsamang wika mula sa salitang ‘fiesta’ at salitang Hapon na ‘pecha kucha’ na ang ibig sabihin ay ‘storytelling’.
Ang naturang aktibidad ay inorganisa ng DTI Region 7 na layong matulungang ma i-promote ang mga nasa industriya ng creatives hindi lang sa probinsiya ng Cebu maging sa probinsiya ng Bohol, Negros Oriental, at Siquijor kasama ang mga artist nito na may malaking ambag sa economic at cultural development ng rehiyon.
Sa naganap na launching ng Fiestakutcha kamakailan sa isang hotel sa Cebu, sinabi ni DTI Regional Director Maria Elena Arbon na ang Creative Economy Industry ng Cebu ay 20 years ago pa nilang pinag-uusapan bago pa ito naging ganap na batas.
“Long before that Manila is talking about creative, long before that creative economy; I can say that 20 years ago, Cebu was already talking about the creative economy. But, we are down here and Manila up there, Manila could not understand, I remember that what we are talking about, 20 years ago. And it was British Council who partnered with Cebu because British Council is the one that spouses creative economy. Now moving forward, 20 years now we have a law,” ayon kay Director Maria Elena Arbon, Regional Director, DTI 7.
Iba’t ibang aktibidad ang inilatag ng ahensiya para maipakita ang creativity, artistic expression, at innovation.
Maituturing umano itong tahanan ng local creatives talents at artists ng Cebu.
Ilan sa mga ipinakita sa naturang launching ay ang discussions patungkol sa “Growing a Creative Industry Ecosystem in the Region”.
Bukod kay DTI Regional Director Maria Elena Arbon, kasama rin ang ilang mga personalidad gaya nina Pedro Delantar, Jr. at Mario Panganiban, mga Board of Trustees ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) at John Paul Chiongbian, Chairman ng 2023 Cebu Business Months.
Ani Arbon, ayon sa isinaad ng Philippine Creative Industries Development Act, ito’y mayroong domain at kada domains mayroon itong 73 sub-sectors.
“There are 9 domains if you read the law, sa creative’s and each domains there are 73 sub-sectors, this is a really huge industry panning from dancing, ‘yung ating nakita kanina, singing when we started our colleagues from our DTI singing our father, singing, film, that’s what we know. Furnitures, decorations, fashion, local weaves, even software is there, original content is really the center of it,” ayon kay Director Maria Elena Arbon, Regional Director, DTI 7.
Dagdag pa ni Arbon, isinusulong nito ang original content dahil malaki ang oportunidad at nangangailangan din ito ng pag-upgrade ng skills level sa pamamagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
“This is something that we want to pursue kay ang original content stories that we can pin off into games, into merchandise, into animation, into film etc. It a whole ecosystem and we are looking how we can do this, kasi we want (to work) closely with TESDA because we also need to up our skills level,” ani Arbon.
Ilan sa mga aktibidad na magaganap sa selebrasyon ng PCIM sa Cebu ay ang Cebu Art Fair, Tubo Cebu Art Fair, Cebu Game Dev by the Beach, Writer Series, September Fever Music Talks, 48-hour Film Marathon, Prelude Philippine Dance Competition, Creative Islands Fair by Cebu Literary, Sketcha Kutcha, at Fiestakucha Conference.
May mga ilang programa din ang DTI 7 na naka-align sa Feistakucha celebration gaya ng one town, one product hub ng OTOP Philippines Launching at Fabrication Laboratory (FABLAB) sa ilalim ng Shared Services Facilities Program kasama ng TESDA ngayong darating na Setyembre 26.
Ang Fiestakucha ay kauna-unahang aktibidad ng DTI para sa selebrasyon ng PCIM na inilunsad din sa Davao at Baguio City.
Matatandaang na-designate ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Baguio City at Cebu City Creative City nitong mga nakaraang mga taon, layon ng DTI na ma-promote ang buong bansa bilang primary creative hub ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).