FIFA, inanunsiyo ang mga magiging tournaments para sa 2024

FIFA, inanunsiyo ang mga magiging tournaments para sa 2024

INANUNSIYO na ng FIFA ang ilang tournaments na magaganap para sa taong 2024.

Sa ibinahagi ng Football Association, Pebrero 15-25 gaganapin ang FIFA Beach Soccer World Cup kung saan maglalaban-laban ang 16 na bansa sa Dubai.

Sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 ang Men’s Olympic Football Tournament habang ang Women’s Olympic Football Tournament ay gaganapin sa Hulyo 25 hanggang Agosto 10 sa France.

Isang bagong torneo na nagtatampok sa mga Premier Club Competition Champion mula sa lahat ng anim na confederations at nagtatapos sa isang final sa Disyembre 2024.

Samantala, ang bagong tournament na kung tawagin ay Coupe Intercontinentale de la FIFA o FIFA Intercontinental Cup ay gaganapin sa Setyembre 14 hanggang Oktubre 6 sa Uzbekistan; Agosto 31 at Setyembre 22 sa Colombia; at Oktubre 16 hanggang Nobyembre 3 sa Dominican Republic.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble