INAASAHANG makukumpirma na bilang opisyal na mga Pilipinong manlalaro ang Fil-foreigners ng national volleyball team na Alas Pilipinas.
Batay ito sa ibinalita ng Alas Pilipinas Head Coach na si Jorge Souza de Brito.
Dahil dito, malapit nang matapos ang matagal nang usapin tungkol sa kanilang eligibility.
Ang mga tinutukoy na Fil-foreigners ay sina Brooke Van Sickle, MJ Phillips, at Tia Andaya.