Fil-Japanese golfer Yuka Saso, naipanalo muli ang US Women’s Open

Fil-Japanese golfer Yuka Saso, naipanalo muli ang US Women’s Open

NAKUHA ni Fil-Japanese golfer Yuka Saso ang kaniyang pangalawang US Women’s Open Title nitong Lunes, Hunyo 3, 2024, Manila Time.

Kasunod ito sa kaniyang two-under-par 68 para sa isang three-shot victory sa Lancaster Country Club, Pennsylvania.

Siya na ang pinakabatang player para manalo ng US Women’s Open ng dalawang beses.

Si Saso, bagamat Japan ang bansang inirepresenta sa US Open ay nakapaglaro din para sa Pilipinas noong 2021 sa ibang mga kompetisyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter