Filipina swimmer Remedy Rule, hihinto na muna sa swimming

Filipina swimmer Remedy Rule, hihinto na muna sa swimming

HIHINTO na muna sa kanyang swimming career si Remedy Rule matapos ang kanyang 2020 Olympic stint sa Tokyo kamakailan lang.

Ayon kay Philippine Swimming Inc. o PSI President Lani Velasco, ibig na munang tapusin ni Rule ang kanyang masters degree sa Professional Science in Tropical Marine Ecosystem Management sa University of Miami.

Ang Tokyo Olympics na muna ang huling kompetisyon batay sa desisyon ni Rule.

Samantala, tiniyak ng PSI na magpapatuloy pa rin naman si Luke Gebbie na irepresenta ang Pilipinas sa mga darating pang kompetisyon gaya ng qualifying event para sa 15th FINA World Championships, 19th FINA World Championships sa 2022 at 31st Southeast Asian Games.

Maliban kay Gebbie, ang swimmers na sina Jarod Hatch, Jessica Geriane at Desirae Mangaoang ay nag-eensayo upang ipresenta ang Pilipinas para sa anumang kompetisyong may kaugnayan sa swimming.

BASAHIN: Weightlifter Hidilyn Diaz, pinakaunang nakatamo ng Olympics gold medal para sa bansa

SMNI NEWS