Filipino Basketball League, isinailalim sa rebranding

Filipino Basketball League, isinailalim sa rebranding

ISINAILALIM sa rebranding ang Filipino Basketball League (Filbasket).

Ayon kay Jai Reyes ng Filbasket, magiging Asiabasket na ang pangalan ng liga.

Hakbang aniya ito ng liga para mas mapalawak ang kanilang maiaalok na karanasan sa lahat na magiging involve sa Asiabasket.

2021 nang mag-umpisa ang Filbasket at naging Professional League ito noong 2022 at nakapagsagawa na rin ng mga international competition sa Kuala Lumpur, Malaysia noong October 2022.

At ngayong pinalitan na ang kanilang pangalan, magsasagawa na rin ulit sila ng international tournament sa April 9-18, 2023.

Sa Kuala Lumpur, Malaysia muli ang venue.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter