Filipino citizenship request ni Justin Brownlee, aprubado na sa komite sa Kamara

Filipino citizenship request ni Justin Brownlee, aprubado na sa komite sa Kamara

APRUBADO na sa House Committee on Justice ang panukalang batas na maging Filipino citizen ang PBA import na si Justin Brownlee.

Sakop ang citizenship request ng 2x Best PBA Import sa ilalim ng House Bill 825 ni 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero.

Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, kailangan ng isang batas sa paggawad ng Filipino citizenship sa isang banyaga.

Ang hakbang naman ng Justice Panel sa Kamara ay mainam para maging eligible si Justin Brownlee na makapaglaro sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Qualifiers na gaganapin dito sa Pilipinas ngayong Pebrero 2023.

Mula 2016 hanggang ngayon ay naglalaro sa PBA si Brownlee sa koponan ng Ginebra.

“Maraming salamat po. It would be great to be a part of the country, keep helping out as much as I can,” ayon sa manlalaro.

Follow SMNI News on Twitter