Filipino Community sa Spain, suportado si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador

Filipino Community sa Spain, suportado si Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador

MALAYO man sa lupang sinilangan, ay hinding-hindi mawawala sa diwa ng mga Pinoy sa Spain ang kanilang pagmamahal sa Pilipinas.

Kamakailan ay nagsama-sama ulit ang ating Kabayan para ipahayag ang kanilang saloobin lalo’t malapit na ang 2025 mid-term elections.

Para sa kanila, responsibilidad ng isang Pilipino ang pumili at bumoto sa eleksyon.

Kaya ngayong panahon ng kampanya, suportado nila ang pagtakbo ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pagka-senador.

‘’Kasi nakikita ko po kung paano siya mag-hawak ng KOJC na napakaganda, napakalaki at disiplinado ang mga tao doon sa KOJC,’’ ayon kay Ms. Grace Poras OFW sa Madrid Spain.

Sa event, ipinakilala ng mga volunteer ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator movement sa Spain ang mga plataporma ng spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ.

Numero uno, diyan ang zero-corruption campaign katulad ng pamamahala niya sa KOJC.

Nandiyan din ang mga programa at panukalang batas para sa kalikasan, poverty alleviation, pangkalusugan at livelihood.

Si Dindo Perez ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator movement Europe ang bumasa sa mensahe ng senatorial candidate para sa mga Pinoy sa Spain.

‘’Ang aking vision ay maging ‘First-world’ country ang Pilipinas–walang korapsyon, walang karahasan, walang kawalan ng katarungan. (No corruption, no violence, no injustice) Ang aking pangarap ay peace, prosperity at stability –bawat Pilipino ay mabuhay nang mapayapa, masagana at may katatagan,’’ saad ni Dindo Perez Representative ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

As of 2022, mahigit sa 19,000 ang registered Filipino voters sa Spain—hindi pa kasama ang seabased Pinoy workers dito.

Kasama ang mga Pinoy sa Spain at OFWs sa buong mundo sa tututukan ni Pastor Apollo oras na maging senador.

Kabilang sa kaniyang isusulong ang OFW Retirement Security Act para tiyak na may savings ang mga bagong bayani oras na matapos ang kanilang deployment abroad.

Mensahe ng butihing Pastor sa Filipino workers.

‘’Ako ay may hangarin na maranasan ng Pilipinas na maging first-world, world-class, first-class citizens na kinikilalang kapantay at hindi itinuturing na alipin o nasasakupan ng anumang bansa. Kung loloobin ng ating Panginoong Diyos na ako’y maging isang lingkod-bayan, bilang isang Senador, asahan ninyo ang pagsisikap kong makamit natin ang hangaring ito,’’ ani Dindo Perez Representative ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

‘’Absolutely yes dahil nakikita po natin ang performance ni Pastor Quiboloy. Kung nagawa niya sa kaniyang congregation, gagawin din niya yan sa buong Pilipinas,’’ wika ni Ben Repol Maisug International.

‘’Ito pong si Pastor, may resibo, may napatunayan na. Sa KOJC pa lang, kung nagawa niya sa KOJC magagawa niya sa buong Pilipinas,’’ sabi naman ni Don Keith Filipino Entrepreneur sa Spain.

‘’Alam ko ang mga pangyayari sa Davao na maraming po siyang nagawa at hindi lang sa Davao kundi sa buong mundo. Napakabait talaga ni Pastor Quiboloy. Dapat natin siyang iluklok sa Senado,’’ ani Rita dela Torre Maisug Madrid, Spain.

‘’Kami po dito sa mga madrid spain ay nagkakaisa para kay Pastor Quiboloy dahil nakita po natin na yung mga ginawa niya kumbaga may experience na. Nakita na natin kung paano niya pinamahalaan ang Kingdom of Jesus Christ,’’ saad ni Leslie Chie Feliciano President, Team Ballers Madrid.

Hindi lamang sa Espanya ang Pastor Apollo Quiboloy for Senator Movement. Dahil magkakaroon din ng aktibidad sa maraming bansa sa European Union.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble