Filipino mentors malaki ang bahagi sa training ng Miss Universe candidates

Filipino mentors malaki ang bahagi sa training ng Miss Universe candidates

HINDI mawawala sa puso ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga pageant—bawat rampa at Q&A sa entablado ay inaabangan.

Sa papalapit na international pageant, magiging organizer ang Dubai-based Filipino entrepreneur at pageant enthusiast na si Josh Yugen.

Si Josh ay isang national director ng ilang Miss U franchises kabilang ang Bahrain, Egypt, at Pakistan. Sa likod ng malaking responsibilidad, hindi tinanggihan ng pageant enthusiast ang panibagong hamon—maging organizer ng Miss Universe.

Ipinakilala rin ni Josh ang council of trainers na tutulong sa training ng mga kandidata mula Bahrain, Pakistan, at Egpyt.

Kabilang sa team as Head of Women Empowerment ang aktres na si Arci Muñoz; Head of Personality si Xian Lim; Head of Beauty ang Miss Globe 2021 na si Maureen Montagne; at Head of Social Impact and Candidate Development naman si Miss World Philippines 2022—Gwendolyne Fourniol.

Kabilang din sa mga mag-te-train sina Jonas Apostol, Gwen Pang, Deborah Kugler, Ian Borromeo, Erica Robin, Eclin Khalifa, Mohra Tantawy, Kosh Hewage, at Mercy Maddox.

Para kay Josh, malaki ang maitutulong ng mga Filipino mentor, lalo na ang mga beauty queen para maibahagi nila ang kanilang mga experience sa new candidates.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble