Final set ng ‘Spider-Man’ trilogy movie ilalabas na sa taong 2027

Final set ng ‘Spider-Man’ trilogy movie ilalabas na sa taong 2027

ILALABAS na sa taong 2027 ang final set ng ‘Spider-Verse’ trilogy movie. Sa anunsiyo ng Sony Pictures, Hunyo 4, 2027 ito mai-release.

Dapat sana ay noong 2024 ito matutunghayan sa theaters ngunit naudlot dahil sa ginawang labor strike ng Screen Actors Guild-American Federation of Television and Radio Artists (SAG-AFTRA) noong taong 2023.

Sa trilogy movie na ito ay taong 2018 inilabas ang unang film na may pamagat na ‘Spider-Man: Into the Spider-Verse’. Noong 2023 naman ang ikalawa na may pamagat na ‘Spider-Man: Across the Spider-Verse.’

Samantala, maliban sa trilogy movie ay may hiwalay rin na release sa Hulyo 31, 2026 ang ‘Spider-Man: Brand New Day’ ni Tom Holland. Ito ang 4th installment ng ‘Spider-Man.’

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble