TINAPOS na ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 2nd Doha Invitational Cup sa Qatar matapos matalo laban sa Egypt sa iskor na 86-55.
Sa unang quarter, nakakasabay pa ang Gilas, ngunit sa second quarter, nalampasan sila ng Egypt sa iskor na 21-9.
Nagtapos ang kanilang kampanya na may isang panalo laban sa Qatar at dalawang talo mula sa Lebanon at Egypt.
Ang torneo ay bahagi ng paghahanda ng Gilas para sa FIBA Asia Cup 2025.
Ngayon, tutok na sila sa third and final window ng Asia Cup Qualifiers na magsisimula ngayong Huwebes, Pebrero 20, kung saan makakaharap nila ang Chinese Taipei, at susundan ng laban kontra New Zealand sa Pebrero 23 sa Auckland.
Follow SMNI News on Rumble