Fishing ban sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill, inalis

Fishing ban sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill, inalis

INALIS ng pamahalaan ang fishing ban na ipinatupad matapos ang insidente ng oil spill sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ito’y kasunod ng paglubog ng MT Princess Empress noong Pebrero na nagdulot ng pagtagas ng langis.

Bukod sa fishing ban, inalis na rin ang pagbabawal sa ilang water activities tulad ng swimming.

Pero magpapatuloy naman ang fishing ban sa mga bayan ng Naujan, Pinamalayan at Pola dahil sakop pa ng 15-kilometer radius mula sa itinuring na ‘ground zero’ ng insidente.

Kabilang sa mga lugar na inalisan ng fishing ban ay ang Bongabong, Baco, San Teodoro, Puerto Galera, Mansalay, Bulalacao, at Roxas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter