Flu vaccines, darating na sa Hulyo—DOH

Flu vaccines, darating na sa Hulyo—DOH

INAASAHAN ng Department of Health (DOH) na darating ang flu vaccines sa bansa ngayong Hulyo.

Kasunod nito ay sinabi ni DOH Undersecretary Emmie Perez-Chiong na aagahan na rin nila ang procurement ng bakuna para sa 2025 immunization program.

Ito’y upang maiwasan ang pagdating ng matagal ng mga bakuna sa bansa gaya ng inirereklamo ng ilang mambabatas ngayon.

Ayon sa mga mambabatas gaya nina Iloilo 1st District Representative Janette Garin, mainam na isagawa ang bakunahan kontra flu at pertussis sa buwan ng Abril at Mayo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble