NAGLUNSAD ng E-Panalo digital financial literacy orientation ang FO NCR Pantawid Pamilyang Pilipino Program para sa mga benepisyaryo ng Malabon at Navotas nitong Martes, Pebrero 18, 2025 sa Malabon City Amphitheater.
Layunin nito na maipabatid sa mga 4Ps beneficiaries ang makabagong paraan ng pag-iimpok gamit ang e-wallet at online banking.
Kabilang ang GCash sa mga partners na nanguna sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa digital services at kung paano mapapabilis ang pamamaraan sa pagkuha ng cash grants.
Sa 61 na benepisyaryo na dumalo, 52 sa mga ito ang nagparehistro upang matanggap ang kanilang cash grants gamit ang e-wallet.
Editor’s Note: This article has been sourced from the DSWD-NCR Facebook Page.
Follow SMNI News on Rumble