Focus crimes, bumaba ng 28% sa buwan ng Enero—PNP

Focus crimes, bumaba ng 28% sa buwan ng Enero—PNP

BUMABA ng 28 porsiyento ang focus crimes mula Enero 1 hanggang 30 sa taong ito.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, iniulat ni PNP Public Information Office Chief at Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, 2,301 insidente ng focus crimes ang iniulat sa nabanggit na panahon, na mas mababa sa 3,223 na iniulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, vehicle theft at motorcycle theft.

Sinabi ni Col. Fajardo na ang patuloy na pagbaba ng krimen sa tulong ng mga mamamayan, ay nagsisilbing inspirasyon sa mga pulis upang mas pagbutihin ang kanilang trabaho.

Giit ni Fajardo, batid ng mga pulis ang kanilang mandato, at mananatiling tapat sa pagtupad ng kanilang tungkulin na itaguyod ang batas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter