DENR NCR OIC Atty. Matias pinangunahan ang pagbisita sa Apugan Cave

DENR NCR OIC Atty. Matias pinangunahan ang pagbisita sa Apugan Cave

PINANGUNAHAN ni DENR National Capital Region OIC Regional Executive Director Atty. Michael Drake P. Matias ang isang mahalagang pagbisita sa Apugan Cave, na matatagpuan sa loob ng La Mesa Watershed Reservation sa Quezon City.

Ang Apugan Cave ay kilala bilang nag-iisang kweba sa buong Metro Manila at isa sa mga natatanging likas na yaman ng rehiyon.

Kasama sina OIC Assistant Regional Directors Dr. Erlinda O. Daquigan (Management Services) at Engr. Henry P. Pacis (Technical Services), at iba pang mga kawani ng DENR-NCR,isinagawa ni Matias ang inspeksyon upang tiyakin ang pangangalaga at proteksyon ng kweba at ang kalikasan sa paligid nito.

Ang La Mesa Watershed, na kinikilala bilang isang importanteng bahagi ng ekosistema ng Metro Manila, ay nagbibigay ng tubig-inom at iba pang mahahalagang serbisyo sa komunidad.

Sa mga larawan, makikita si Matias habang pinagmamasdan, sinusuri ang kalikasan sa paligid ng Apugan Cave at nakikipag-ugnayan sa mga eksperto at kawani ng DENR-NCR ukol sa mga hakbang para sa pangangalaga ng kweba at ng kabuuang watershed area.

Ang pagbisitang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng DENR-NCR na maprotektahan ang mga likas na yaman ng Metro Manila.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the DENR National Capital Region Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble