ISASARA na ng American clothing company na Forever 21 ang kanilang mga tindahan sa buong Estados Unidos.
Kasunod ito sa paghain nila ng bankruptcy na magreresulta sa pagsasara ng 350 na tindahan nila sa buong Estados Unidos.
Ang dahilan ng pagsasampa ng bankruptcy ay ang kompetisyon sa mga Chinese e-commerce site tulad ng Shein at Temu, bukod pa sa ibang retailers tulad ng Zara at Uniqlo.
Sa iba pang source, ang bankruptcy filing ay bunga ng mga hamon sa industriya ng retail dahil sa pagbabago ng kagustuhan ng mga mamimili matapos ang pandemya.
Ito’y dahil mas pinipili na ng mga tao ang online shopping kumpara sa pagbisita sa mga physical store.
Ito na ang ikalawang beses na naghain ng bankruptcy ang brand sa loob lamang ng anim na taon.
Follow SMNI News on Rumble