HEADLINE news sa iba’t ibang social news sa Pilipinas na natugunan diumano ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaya umalis ito papunta sa ibang bansa.
Umalis umano si PRRD papunta sa Hong Kong ngayong araw dahil may arrest warrant ito mula sa International Criminal Court (ICC).
Matatandaang matagal nang umuugong ang tsismis sa posibleng pag-aresto ng ICC kay dating PRRD.
Saad noon nina retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio at dating Senator Antonio Trillanes IV na posibleng ilabas ang arrest warrant bago matapos ang 2024.
Ngunit sa eksklusibong panayam ng SMNI News, tinawag na fake news ni dating Intelligence Chief ng Pilipinas ang balit-balitang tumakas ang dating pangulo.
“Iyan ang tunay na fake news, andito kami sa Hong Kong actually ngayon kasama si PRRD kasi merong pasasalamat ang mga OFWs para sa kaniya. Kaya andito siya para tanggapin ‘yung pasasalamat at magpapasalamat din sa suporta at pagmamahal ng mga kababayan niya na andito sa Hong Kong,’’ pahayag ni Ret. Gen. Alex Paul Monteagudo, Former National Intelligence Coordinating Agency Director-General.
Mahigit sa dalawang libong OFWs ang nakiisa sa “Pasasalamat kay PRRD” sa Hong Kong ngayong araw, Marso 9, 2025.
Ayon sa ating mga kababayan dito sa Hong Kong, napakalaki ng tulong ng Duterte administration sa mga OFW.
Tiniyak naman ng Filipino community sa Hong Kong ang suporta sa Lucky 9 Duterte Senatorial Slate para sa 2025 midterm elections bilang pasasalamat.
Follow SMNI News on Rumble