Former Intelligence Chief: Terrorist group nasa likod ng pagkakakulong ni FPRRD sa ICC

Former Intelligence Chief: Terrorist group nasa likod ng pagkakakulong ni FPRRD sa ICC

ISANG teroristang grupo sa Pilipinas ang nasa likod ng pagkakakulong ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa panayam ng SMNI News kay dating National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo, isinawalat nito na ang Communist Party of the Philippines–New People’s Army–National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang nag-operate para siraan sa international arena si FPRRD.

“Napakalakas ng network ng CPP-NPA-NDF sa Netherlands. Matagal na ‘yan. Panahon pa ni dating President Ferdinand Marcos (Sr.) meron silang network doon. At lumakas pa lalo pagka-punta ni Joma Sison sa Netherlands, doon siya nag-base,” ayon kay Alex Paul Monteagudo, Retired Police General, Former Intelligence Chief.

Noong panahon ni Pangulong Duterte, naglabas siya ng isang proklamasyon taong 2017 na nagdedeklara sa CPP-NPA bilang isang komunista at teroristang organisasyon sa ilalim ng Republic Act 10168 o ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Mula noon, labis na napilayan ang teroristang grupo.

Kaya para makabawi, unti-unti raw’ng inoperate ng mga kalaban ng gobyerno ang ICC sa Netherlands ayon kay Monteagudo.

“At nakapag-network sila doon, hanggang sa lahat na lang ng namatay sa Pilipinas ay sinasabi nilang kagagawan ni Duterte kahit hindi naman,” aniya.

Sa Duterte administration din ang pinakamalaking setback ng CPP-NPA-NDF dahil sa pakikipagtulungan nito sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Ang nanguna sa propaganda war laban sa mga komunistang terorista ay si Pastor Apollo C. Quiboloy gamit ang media machinery ng SMNI.

Dito nabulgar ang mga CPP-NPA-NDF party-list group gaya ng Gabriela, Kabataan, ACT-Teachers, Bayan Muna, at iba pa.

“Tapos sila ang magsa-submit sa ICC kaya ang mga statistics doon sa ICC ay laki—ilang libo ang sinasabi nilang ina-accuse nila si President Duterte na may kagagawan kahit hindi naman. Dahil sila, meron na silang linya doon, meron na silang tao na gagawa ng report ng kanilang sistema na magsisinungaling. At mga miyembro din nila ang gagawa ng affidavits na ganito nga ang nangyari,” aniya pa.

Dagdag pa ng dating Intelligence Chief na misinformation at political manipulation ang naging kapital ng CPP-NPA-NDF laban kay FPRRD.

At lahat ng kanilang galaw ay matagal nang alam ng pamahalaan.

“Gagawa sila ng kwento, benta nila sa media–sa European media, they paint na picture na masama ang isang presidente gaya ni PRRD tapos gagawa sila ng report sa ICC. Hanggang sa padami nang padami ‘yun, padami nang padami. Tapos may mga letters pa ‘yan. Alam namin lahat ‘yun dahil namomonitor namin,” aniya pa.

At dahil malaki ang posibilidad ng pagbabalik ng isang Duterte bilang Presidente, giit ni Monteagudo—gagawin ng mga kalaban ang lahat mahadlangan lang ang muling pagtuntong nito sa Malakanyang.

“Malaki ang kontribusyon ng CPP-NPA-NDF dito sa pagpapalabas ng warrant of arrest against kay PRRD. Kasi gusto talaga nilang mawala si PRRD dahil alam nila andiyan si President Duterte o si VP Sara dahil threat sa kanilang organisasyon,” dagdag nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble