Former PACC Chairman sa gobyerno: walang kuwenta kung hindi pinapakinggan ang hinaing ng mga Pilipino

Former PACC Chairman sa gobyerno: walang kuwenta kung hindi pinapakinggan ang hinaing ng mga Pilipino

SA isinagawang Maisug Peace Rally sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes ng Hunyo 17, dumalo ang ilan sa mga kababayan natin mula sa iba’t ibang sektor para maglabas ng mga hinaing laban sa kasalukuyang administrasyon.

Sa isang panayam, naglabas din ng kaniyang pananaw ang isang dating opisyal ng pamahalaan na si former Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica sa estado ngayon ng bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Masyado aniyang malaki ang kapangyarihan ngayon ng gobyernong makialam sa mga kalayaan na dapat ay nasa tao tulad na lamang ng kalayaan sa pagtra-trabaho, ekonomiya, pamumuhay, at maging sa pananalita.

“That’s why we really have to work on changing laws and policies even the constitution para alisin ang mga kapangyarihan na ‘to na nagbibigay sa gobyerno at sa mga nakaupo dito ng pagkakataon na mang-abuso ng kalayaan na bigay ng Diyos sa tao,” ayon kay Greco Belgica, Former Chairman, Presidential Anti-Corruption Commission.

Napakahirap nga aniya ng ating bansa ngayon dahil base sa World Ranking Standard, ang Pilipinas ang isa sa mga nagiging korap at worst investment destinations sa mundo kung saan nasa pang-83 ang Pilipinas.

Sabi pa niya, korapsiyon at magulong pamamahala talaga ang magiging resulta kung sobrang makapangyarihan at abusado ang gobyerno.

“Ayaw ng mga namumuhunan whether local or foreign investment ng korapsyon, magulo, red-tape, ayaw po nila ‘yan. ‘Yan pong mga instances at pangyayaring ‘yan nangyayari pagka ang gobyerno ay abusado, ‘yun po ang katotohanan ‘dun,” ani Belgica.

Wala rin aniyang kuwenta ang isang gobyerno kung binabalewala lang nito ang mga saloobin at panawagan ng nakararaming Pilipino.

“So, kung hindi tayo pakikinggan e ‘di diktadurya po ‘yan. ‘Yan po ang bantayan natin and if you feel that is what’s happening to you, and then you have the courage and you have the responsibility to talk about it and talk about the truth,” giit ni Belgica.

Pagsasabi ng totoo at malasakit ni Pastor ACQ sa Pilipinas, pinupulitika ng gobyerno—Greco Belgica

Hindi rin pinalagpas ni Belgica na magkomento sa nangyaring marahas na panlulusob ng PNP-SAF at CIDG sa mga religious compound ng KOJC sa Davao City.

“Overkill naman talaga, why will you bring so much people arresting one religious leader.”

“These are constitutional violation of individual freedoms and this being highlighted, hindi lang po ito nakaka-trauma. Alam mo parang papasok sa giyera, parang terorista ang hinahabol, religious man ‘yan na nai-involved lang sa politika o sa political squabbles because of his love for his country,” aniya.

Sabi pa niya kung nagawa ito ng administrasyon kay Pastor Apollo, paano pa aniya ang mga ordinaryong tao?

“Kaya tayo nagtatag ng gobyerno para protektahan ang ating kalayaang mabuhay, magsalita, magtrabaho, umasenso, maging malaya, maging mapayapa. Hindi ‘yung because of political comments, political pressures, suddenly one person religious or not or popular can be an example of how abusive a government can be,” aniya pa.

Punto pa niya, kung may mga tumutuligsa man sa administrasyon at sa mga kinauukulan ay hindi aniya dapat ito magalit at maging balat-sibuyas.

Sa huli, hinikayat ni Belgica ang mga Pilipino na patuloy na ipahayag ang kanilang mga opinyon, mga damdamin at sabihin ang katotohanan kung ano ang mga nakikita nila sa gobyerno.

“Tayong mga Pilipino ngayon, tayo mga ordinaryong tao has the responsibility to speak out and to do something, ‘coz we have to realize and we have to remember na ang kapangyarihan ng pamahalaan nanggaling po sa atin, power resides in the people, hindi po madali ‘yan pero mas mahirap po na pababayaan natin na ang ating mga kalayaan ay tinatapakan at pinipigilan,” pagtatapos nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble