FPRRD at VP Sara, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy; VP Duterte, humingi ng payo sa butihing Pastor

FPRRD at VP Sara, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy; VP Duterte, humingi ng payo sa butihing Pastor

PERSONAL na nagpaabot si Vice President Sara Duterte ng kaniyang pagbati kay Pastor Apollo C. Quiboloy na kamakailan lang ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong April 25.

Bumisita ang bise presidente sa KJC Central Headquarters sa Davao City ilang oras lamang matapos din ang pagdalaw ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ayon kay VP Sara, magagamit niya sa kaniyang trabaho at sa kaniyang araw-araw na pammumuhay ang natutunan niya sa pakikipag-usap sa butihing Pastor.

Sinabi rin ni Pastor Apollo na pareho ang adbokasiya nila ni VP Sara na para sa kapakanan ng mga kabataan.

Kaugnay naman sa pagbisita ng dating Pangulo, tinalakay ng dalawang lider ang ilang mahahalagang isyu sa bansa maging ang susunod na episode ng kanilang programa na ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ sa SMNI.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter