HANDANG harapin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
Ito ang sinabi ng dating Pangulo sa naging hearing ng House Quadcom noong Nobyembre 13, 2024 hinggil sa implementasyon ng kaniyang drug war campaign noon.
Sa kaniyang pahayag pa, pupunta na lang siya sa ICC at magpapa-imbestiga doon.
Bigyan na lang din aniya siya ng pera pambili ng plane ticket para makabiyahe sa headquarters ng ICC sa The Hague, Netherlands.
Kung pupunta naman sila sa Pilipinas, hindi rin aniya siya natatakot na harapin ito.
Si Pangulong Bongbong Marcos Jr., hindi aniya haharangan ng pamahalaan ang desisyon ng Dating Pangulo kung nais niyang mag-surrender sa hurisdiksiyon ng ICC.