FPRRD hiniling ang pansamantalang paglaya sa ICC

FPRRD hiniling ang pansamantalang paglaya sa ICC

PORMAL nang hiniling ni former Philippine President Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) na siya’y gawaran ng interim release.

Sa impormasyon mula sa ICC, may petsang June 12, 2025 ang request ng dating Pangulo—itinaon sa paggunita ng ika-127 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas—ang bansang inalayan ng buhay at pinagsilbihan ng dating Chief Executive.

Depensa ng kampo, hindi flight risk ang dating presidente at walang kakayahan na gumawa ng anumang paglabag sa batas dala na rin ng katandaan nito.

Hiling nila sa ICC na pagbigyan ang pansamantalang paglaya on humanitarian grounds dahil sa mga iniindang karamdaman ng dating Pangulo.

Si Duterte ay 80-taong gulang na at nangako ng 100% kooperasyon sa ICC sa kabuuan ng provisional release.

Welcome development naman sa former presidential legal counsel ni FPRRD ang hakbang.

“Hindi naman siya flight risk, hindi siya tatakas. Mayroon namang bansang gustong kumupkup sa kaniya,” wika ni Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Legal Counsel.

Tiwala rin si Atty. Panelo na pagbibigyan ng ICC Judges ang request ng dating presidente.

“May deperensya nga ‘yung pag-aresto sa kaniya. ‘Yung mga kalakaran na ‘yun ay malaking factor na mabigyan siya ng interim release,” ani Panelo.

Iginiit naman ng legal team ng dating Pangulo na may kasaysayan na ang ICC ng pagbibigay ng pansamantalang paglaya sa mga akusado dahil sa humanitarian grounds.

Ayon sa kampo, may isang hindi pinangalanang bansa ang willing na tumanggap kay FPRRD sakaling pagbigyan ang kaniyang urgent request.

Pero, ilegal nga bang maituturing kung balik-bansa na lamang ang dating Pangulo?

“Paano magiging iligal di ba nag-file nga tayo ng petisyon para ibalik eh? Paano magiging iligal ‘yan? Ang teorya nga natin eh iligal ang ginawa ng gobyerno kaya itong gobyerno na gumawa ng iligal na hakbang ay iwasto niya ang kaniyang sarili. Di ba iyan nga ‘yung hinihiling ng aming petisyon sa Korte Suprema?’

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble