FPRRD: Iboto ninyo si Pastor Quiboloy, hindi kayo magsisisi

FPRRD: Iboto ninyo si Pastor Quiboloy, hindi kayo magsisisi

FPRRD: Iboto ninyo si Pastor Quiboloy, hindi kayo magsisisi

Kahit walang bigayan ng ayuda, napuno ang bakanteng lote sa Mandaue City sa naturang rally.

Pinatunayan ng rally na Duterte country pa rin ang Cebu na isang vote-rich province.

Isa sa mga inimbitahan ng organizers ng Hakbang ng MAISUG-Cebu ay si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Kasama ang libu-libong Purple Warriors na suot ang campaign color ng Butihing Pastor.

Sa parehong event, natanong si dating Pangulong Duterte kung ano ang nakikita niyang problema sa Senado, lalo na ngayong panahon ng kampanya para sa 2025 midterm elections.

Ayon kay Duterte, may kakulangan sa Senado pagdating sa tamang pag-unawa sa mabuti at masama.

Kulang sila diyan sa lecture kung ano ang mabuti. Kung ano ang mabuti at masama,” ayon kay Rodrigo Roa Duterte, Former Philippine President.

Bukod sa paggawa ng mga batas, isa rin sa mga tungkulin ng senador ang pagiging senator-judge sa impeachment processes at pagsasagawa ng mga in-aid of legislation investigations sa mahahalagang isyu ng bayan.

Pero ayon kay Duterte, naaabuso ng ilang senador ang kanilang kapangyarihan.

Bilang solusyon, sinabi ng dating Pangulo na dapat may boses ng konsensya sa mataas na kapulungan.

“Kung maupo sa Senado si Pastor, magiging boses siya ng konsensya. Siya ang magiging konsensya ng Senado,” giit ni FPRRD.

Mahigit sa pitong milyong miyembro, supporters, at stalwarts ang nagbago ang buhay dahil kay Pastor Quiboloy, spiritual leader ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Dadalhin ni Pastor Quiboloy ang God-centered leadership sa Senado, pati na ang zero-corruption service ng KOJC na kanyang patutunayan na posible rin sa gobyerno.

“Si Pastor ang nakikita kong magdadala ng pagbabago sa Senado para sa Diyos,” aniya pa.

Samantala, nilinaw naman ni dating Pangulong Duterte na walang kasalanan si Pastor Quiboloy na ngayon ay ikinulong ng administrasyong Marcos Jr.

Ayon kay Duterte, biktima si Pastor Quiboloy ng political persecution ng Marcos Jr. government, kasabwat ang administrasyon ng dating US President Joe Biden.

“Napag-initan siya ng Amerikano. Alam niyo naman ‘yang mga Amerikano—pinag-initan lang talaga siya. Pero eventually, sigurado akong mawawala ang kanyang kaso,” dagdag ni FPRRD.

Sa huli, nagbigay ng mensahe si Duterte sa mga botante.

“So, Pastor, I wish you luck. Inaanyayahan ko ang mga tao na iboto ninyo si Pastor at hindi kayo magsisisi,” aniya pa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble